Location: Plaza Independencia, Cebu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 13 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANTONIO PIGAFETTA
ISINILANG SA VENICE, NGAYO’Y BAHAGI NG ITALYA. SUMAMA KAY FERNANDO MAGALLANES SA EKSPEDISYONG ESPANYOL PATUNGONG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA, NGAYO’Y BAHAGI NG INDONESYA. NAGING KINATAWAN NI MAGALLANES SA IBA’T IBANG PAKIKIPAG-USAP SA MGA RAHA NG VISAYAS, MARSO-ABRIL 1521. NAKASAKSI SA LABANAN SA MACTAN, 27 ABRIL 1521. KASAMA SA LABINGWALONG TAUHAN NG EKSPEDISYONG MULING NAKABALIK SA ESPANYA AT NAKAKUMPLETO SA UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG, SETYEMBRE 1522. NAG-IWAN SA SANGKATAUHAN NG MGA GUNITA TUNGKOL SA EKSPEDISYON, GAYUNDIN NG MAHAHALAGANG DETALYE HINGGIL SA WIKA, PANANAMIT, PANINIWALA, SINING, GAWI, KAUGALIAN, MUSIKA, KALINANGAN, TEKNOLOHIYA, LIPUNAN, AT KAPALIGIRAN NG MGA TAGA-VISAYAS AT MINDANAO NOONG IKALABING-ANIM NA DANTAON.