Location: Juan Luna Shrine, Rizal Street, Badoc, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: October 29, 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANTONIO LUNA
1866–1899
ISINILANG SA KALYE URBIZTONDO, SAN NICOLAS, MANILA, 29 OKTUBRE, 1866. NAGTAPOS NG DOKTORADO SA PARMASYA SA UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID, 1890. UMANIB SA KILUSANG PROPAGANDA SA ESPANYA AT NAGSULAT SA PAHAYAGANG LA SOLIDARIDAD SA ILALIM NG SAGISAG NA TAGA-ILOG, 1888. IKINULONG, 16 SETYEMBRE 1896; IPINATAPON AT IKINULONG SA CARCEL MODELO DE MADRID, PEBRERO 1897. LUMAYA AT BUMALIK SA PILIPINAS, 1898. ITINATAG ANG PAHAYAGANG LA INDEPENDENCIA NA TUMUTULIGSA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO, 3 SETYEMBRE 1898. NAGSILBING DELEGADO SA KONGRESO NG MALOLOS 15 SETYEMBRE 1898, AT KATUWANG NA KALIHIM NG DIGMAAN, 26 SETYEMBRE 1898. ITINATAG ANG ACADEMIA MILITAR, 25 OKTUBRE 1898. HINIRANG NA PUNONG KOMANDANTE NG HUKBONG MILITAR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, PEBRERO 1899. PINASLANG SA CABANATUAN, NUEVA ECIJA, 5 HUNYO, 1899.