Location: Santa Ana, Pampanga
Category: Buildings/structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG SANTA ANA
ITINATAG NG MGA MISYONERONG AGUSTINO BILANG BISITA NG ARAYAT, 19 DISYEMBRE 1598. NAGING PAROKYA, 1756. ITINALAGA SI PADRE LORENZO GUERRA BILANG UNANG KURA, 1760. SINIMULANG IPATAYO NI PADRE VICENTE FERRER ANG MGA PANULUKANG BATO NG KASALUKUYANG SIMBAHAN, 1853; NATAPOS SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PADRE LUCAS GONZALES, 1857. GINAMIT NG MGA SUNDALONG HAPON ANG KUMBENTO NITO BILANG GARISON HABANG ANG PATIO NG SIMBAHAN AY NAGING LUGAR KUNG SAAN PINARUSAHAN ANG MARAMING GERILYA SA PAMAMAGITAN NG WATER CURE NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.