Location: Caunayan Bay, Pagudpud, Ilocos Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker dates: 24 April 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG PINAGDAUNGAN NG USS STINGRAY
SA DALAMPASIGANG ITO DUMAONG ANG USS STINGRAY, SUBMARINO NG HUKBONG PANDAGAT NG ESTADOS UNIDOS, 27 AGOSTO 1944. DITO IBINABA ANG 15 KAWAL NA PINAMUNUAN NI 2ND LT. JOSE V. VALERA AT ILANG TONELADANG ARMAS AT KAGAMITAN BILANG PAGHAHANDA SA PAGBABALIK NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS. PAKAY NG PANGKAT NA HANAPIN SI GOBERNADOR ROQUE B. ABLAN UPANG TULUNGAN ANG GERILYANG ABLAN-MADAMBA NA NOO’Y LUMALABAN SA MGA HAPON.