Location: Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Marker date: October 29, 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker Text:
ANG PAMBANSANG MUSEO
ITINATAG SA MAYNILA NOONG OKTUBRE 29, 1901 BILANG INSULAR MUSEUM OF ETHNOLOGY, NATURAL HISTORY AND COMMERCE SA ILALIM NG KAGAWARAN NG INSTRUKSYONG PAMBAYAN AT SA BISA NG BATAS NG KOMISYON NG PILIPINAS BLG. 284. SINA DEAN C. WORCESTER, DAVID P. BARROWS AT ALBERT E. JENKS ANG NAGING MGA UNANG DIRECTOR. HIWALAY SA NAUNANG MUSEO-BIBLIOTECA NA ITINATAG NOONG MGA RULING TAON NG PANANAKOP NG MGA KASTILA, ITO AY ILANG ULIT NA NAGPALIT NG PANGALAN AT KINALALAGYAN, ISINAILALIM SA IBA’T IBANG KAGAWARAN, INILIPAT, AT PINAWALANG-SAYSAY NANG DAKONG HULI, ITO AY MULING ITINATAG BILANG PAMBANSANG MUSEO.
SA PAGPAPATIBAY NG BATAS NG REPUBLIKA BILANG 8492, KILALA BILANG BATAS NG PAMBANSANG MUSEO NG 1998, NA NILAGDAAN NG PANGULONG FIDEL V RAMOS NOONG PEBRERO 12, 1998, ANG PAMBANSANG MUSEO AY INIAYOS BILANG PANGUNAHING PROYEKTO SA PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS (1898-1998).
PINALAWAK AT ISINAMA ANG DATING GUSALI NG PANANALAPI, ANG “MUSEO NG SAMBAYANANG PILIPINO” AY ITINATAG SA PAMAMAGITAN NG PAGSUSUMIKAP NG KOMITENG PAMPANGULO NA TUMULONG SA PAMBANSANG MUSEO SA PANGANGASIWA NI P. GABRIEL S. CASAL (1987-2001).
ANG CONCERNED CITIZENS FOR THE NATIONAL 29, 1901 NATURAL MUSEUM FOUNDATION OF THE PHILIPPINES, AY NAGTAGUYOD AT TUMANGKILIK SA PAGTATATAG NG PAMBANSANG MUSEO BILANG NAGSASARILING INSTITUSYON NA MAY PIRMIHANG TAHANAN.