Location: Bagong Sikat Elementary School, Cabiao, Nueva Ecija
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG PAGKAKATATAG NG HUKBALAHAP
DITO SA SITYO BAWIT, BARYO SAN JULIAN (NGAYO’Y BARANGAY BAGONG SIKAT), CABIAO, NUEVA ECIJA, ITINATAG ANG HUKBO NG BAYAN LABAN SA HAPON (HUKBALAHAP), 29 MARSO 1942. NAHALAL SI LUIS TARUC BILANG PANGULO AT SI CASTO ALEJANDRINO BILANG PANGALAWANG PANGULO. LIBO-LIBONG MAGSASAKA, MANGGAGAWA AT INTELEKTUWAL ANG SUMAPI SA KILUSAN. KINILALA ANG HUKBALAHAP BILANG ISANG MALAKI AT MATAGUMPAY NA KILUSANG GERILYA SA GITNANG LUZON AT IBA PANG BAHAGI NG TIMOG LUZON. SA TINATAYANG 2,000 LABANAN NG HUKBALAHAP AT NG PUWERSANG HAPONES, HIGIT SA 20,000 SUNDALONG MANANAKOP, KANILANG MGA TAGASUPORTA AT ESPIYA ANG NAPATAY O MALUBHANG NASUGATAN, 1942–1945. NAKATULONG NANG MALAKI ANG HUKBALAHAP SA MGA SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANO HANGGANG SA PAGSUKO NG HAPON SA MGA PUWERSANG ALYADO, 2 SETYEMBRE 1945.