Location: National Museum of the Philippines, P. Burgos Street, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Hall
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1996
Installed by: National Historical Institiute (NHI)
Marker text:
ANG BULWAGANG PULUNGAN NG SENADO NG PILIPINAS
ANG SENADO NG PILIPINAS NA ITINATAG SA BISA NG BATAS KONGRESO NG ESTADOS UNIDOS NOONG AGOSTO 29, 1916 AY PINASINAYAAN SA GUSALING INTENDENCIA SA INTRAMUROS, MAYNILA NOONG OKTUBRE 16, 1916.
ANG SENADO ANG SIYANG BATIS NG MGA MAHAHALAGANG BATAS SA BUONG KASAYSAYAN NITO BILANG MATAAS NA KAPULUNGAN NG MGA PILIPINONG MAMBABATAS BAGAMA’T ANG TANGGAPAN NG MATAAS NA KAPULUNGAN AY NALIPAT SA IBA’T IBANG LUGAR DAHILAN SA KALAGAYAN NOONG PANAHON NG DIGMAAN AT PAGBABAGONG PAMPULITIKAL, ANG MGA SENADOR AY NAGPATULOY SA PAGTUPAD NG KANILANG TUNGKULING GUMAWA NG BATAS PARA SA PAMBANSANG KAPAKANAN. ANG SENADO AY NAGSIMULANG MAGDAOS NG KANILANG PAGPUPULONG SA MAKASAYSAYANG BULWAGANG ITO SIMULA 1926.