Location: Mauban, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAYAN NG MAUBAN
ITINATAG NG MGA PRANSISKANO NOONG 1583 SA PINAGBAYANAN (NGAYO’Y LUYA-LUYA). INILIPAT SA BALAY-BALAY UPANG MAKAIWAS SA MGA PIRATANG MORO. MULING INILIPAT NOONG 1678 SA SULIDA, ANG KASALUKUYANG POOK. PINANGALANANG MAUBAN SUSOG KAY GAT UBAN, ANG TAGAPAGTANGGOL NG BAYAN SA MGA MORO. ITINATAG ANG SANGAY NG KATIPUNAN SA NAYON NG SAN MIGUEL, 1896; ANG DEPOSITO NG TUBIG, 1810; ANG PANTALAN, 1930; AT ANG SEAWALL, 1935. NILUSOB NG HUKBONG HAPON, DISYEMBRE 24, 1941, AT NAPALAYA NG HUKBONG AMERIKANO, 1945.