Location: Sitio Pansod, Brgy. Behia, Bagatao Island, Magallanes, Sorsogon
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG ASTILYERO SA ISLA NG BAGATAO
SA POOK NA ITO NA DATING KILALA BILANG CALAGUIMI, ITINATAG ANG REAL ASTILLERO DE BAGATAO SA PANAHON NI GOBERNADOR-HENERAL JUAN DE SILVA, 1610. DITO GINAWA ANG ILANG MGA BARKO PARA SA KALAKALANG GALYON NG MANILA–ACAPULCO KABILANG ANG PINAKAMALAKI AT TANYAG NA SANTISIMA TRINIDAD NA SA KASAMAANG PALAD AY NAKUHA NG MGA INGLES NOONG 1762. SINALAKAY NG MGA PIRATA NOONG 1616, KUNG SAAN MARAMING PILIPINO ANG NASAWI AT MGA PARING ESPANYOL ANG NADAKIP. MULING SINALAKAY NOONG 1627 AT 1635. ANG ASTILYERO NG BAGATAO AY TUMAGAL NG 140 TAON.