Location: Gen. Luna St., Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Aquarium
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG AKWARYUM
ANG HUGIS BAGONG BUWAN AY DIINIBUHO NI INHINYERO MIGUEL ANTONIO GOMEZ BILANG BAHAGI NG TANGGULAN NG MAYNILA AT NATA POS NOONG 1771. DAHIL SA KINALALAGYAN NGAYON NG BAGUMBAYAN KAYA’T PINANGANLANG “REVELLIN” NG BAGUMBAYAN. NOONG 1780, ANG PUERTA REAL AY INILIPAT SA PAGITAN NG MGA KUTANG SAN ANDRES AT SAN DIEGO, BUHAT SA DAKONG TIMOG NG DAANG PALACIO, NA NAGING DAANG HENERAL LUNA. SAPAGKA’T ANG DAANG PATUNGONG PUERTA REAL AY NAGLALAGOS SA ILALIM NG HUGIS BAGONG BUWAN, KAYA’T ANG DATING “REVELLIN” NG BAGUMBAYAN AY PINALITAN NG “REVELLIN” NG PUERTA REAL. NOONG 1902, ANG MOOG NG LUNGSOD AY BINUKSAN SA DAKONG TIMOG NG DAANG HENERAL LUNA AT ANG PUERTA REAL AY IPININID. NAGKAROON NG MGA PAG-BABAGO AT ITO’Y GINAWANG AKWARYUM. NAWASAK ANG BAHAGI NG AKWARYUM AT “REVELLIN” NOONG PEBRERO 1945 NANG MAGHAMOK ANG MGA AMERIKANO AT HAPON. MULING NIYARI ANG AKWARYUM NOONG PEBRERO 1968 SA PAGSISIKAP NG ZONTA CLUB NG MAYNILA.