Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 20, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
AMADO HERNANDEZ Y VERA
IPINANGANAK SA TONDO, MAYNILA, 13 SETYEMBRE 1903. MAKATANG LAUREADO, MANUNULAT, MAMAMAHAYAG AT LIDER NG MGA MANGGAGAWA. IBINILANGGO DAHIL SA BINTANG NA REBELYON, 1951. PINAWALANGSALA NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 1964. MGA KATANGI-TANGING AKDA: ISANG DIPANG LANGIT, BAYANG MALAYA, MGA IBONG MANDARAGIT AT LUHA NG BUWAYA NA PAWANG ISINULAT SAMANTALANG NASA BILANGGUAN. GINAWARAN COMMONWEALTH LITERARY AWARDS, PALANCA AWARDS (DALAWANG ULIT), JOURNALISM AWARD (NPC-ESSO), REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD AT BALAGTAS AWARD. MGA POSTUMONG GAWAD: DOKTOR SA HUMANIDAD HONORIS CAUSA, U.P. AT TANGLAW NG LAHI, ATENEO UNIVERSITY. PINARANGALAN BILANG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING 1973. NAMATAY 24 MARSO 1970.