Location: Bustos Heritage Park, Bustos, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 17 July 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ALEJO SANTOS
1911-1984
GURO, HENERAL, LINGKOD BAYAN, BAYANI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, AT TAGAPAGSULONG NG KULTURA AT KASAYSAYAN. ISINILANG SA BONGA MENOR, BUSTOS, BULACAN, 17 HULYO 1911. LUMABAN SA MGA HAPON SA BATAAN AT NAKARANAS NG DEATH MARCH. ITINATAG AT PINAMUNUAN ANG GRUPO NG MGA BULAKENYONG GERILYANG PHILIPPINE LEGION, HUNYO 1942. KUMANDER, BULACAN MILITARY DISTRICT NG EAST CENTRAL LUZON GUERILLA AREA, 14 SETYEMBRE 1943, NA NAGING BULACAN MILITARY AREA NG USAFFE LUZON GUERILLA ARMY FORCES, 12 OKTUBRE 1943. TUMULONG SA USAPING PANGKAPAYAPAAN SA PAGITAN NG PAMAHALAAN AT NG HUKBONG MAPAGPALAYA SA BAYAN. GOBERNADOR NG BULACAN, 1945, 1951-1957. KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG BULACAN, 1946, 1949-1951. KALIHIM NG TANGGULANG PAMBANSA, 1959-1961. TUMAKBO SA PAGKAPANGULO, 1981. PUMANAW, 18 PEBRERO 1984.