Location: 176 Esteban Mayo Street, Lipa, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 14, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ALBINO C. DIMAYUGA
(1869–1946)
MAMAMAHAYAG, MAKATA AT MANUNULAT. ISINILANG NOONG SETYEMBRE 14, 1869 SA LIPA, BATANGAS. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA. PATNUGOT SA TAGALOG NG COLUMNAS VOLANTES, ISANG PAHAYAGAN SA LIPA NOONG PANAHON NG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 1899. SUMULAT SA LA VANGUARDIA, TALIBA, VOX POPULI AT KAYUMANGGI. KARAMIHAN SA KANYANG MGA TULA AT SANAYSAY AY NANUNUDYO O MAY-ARAL TUNGKOL SA KALAGAYANG PAMPULITIKA, PANLIPUNAN AT PANGKABUHAYAN NANG PANAHONG IYON. ILAN SA KANYANG MAHAHALAGANG SINULAT: KISLAP NG KALAYAAN, PAGSULAT AT PAGBIGKAS SA WIKANG TAGALOG, AT TUNGKOL SA MGA TITIP. NAGSALIN DIN SA TAGALOG NG “MI ULTIMO ADIOS” NI RIZAL. NAMATAY NOONG HUNYO 3, 1946.