Location: Pototan–Tabugon Road, Dingle, Iloilo
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ADRIANO DAYOT HERNANDEZ
(1870–1925)
HENERAL NG HIMAGSIKAN AT LINGKOD-BAYAN. ISINILANG SA DINGLE, ILOILO, 8 SETYEMBRE 1870. KAPITAN NG HUKBONG VOLUNTAROIS NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN, MAYO 1898 AT NG COMITE CONSPIRADOR, MARSO 1898; KORONEL NG ZONA DEL NORTE NG EJERCITO LIBERTADOR, OKTUBRE 1898. SUMAPI SA “SIGAW NG LINGCUD,” 28 OKTUBRE 1898 BILANG PAGKALAS SA MGA ESPANYOL. BRIGADIYER HENERAL NG EJERCITO LIBERTADOR, 17 NOBYEMBRE 1898. LUMAHOK SA PAGSAKOP SA JARO AT ILOILO, NOBYEMBRE–DISYEMBRE 1898. PINUNO NG PANGKAT NG HUKBONG PAMBANSA SA KABISAYAAN, MARSO 1899. LUMABAN SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO, 1899–1900. KONSEHAL NG SILAY, 1904–1906. KOMPOSITO NG MUSIKANG MARCHA DE CONANT AT NAGWAGI NG GINTONG MEDALYA, ST. LOUIS EXPOSITION, 1904. DELEGADO, ASAMBLEYA FILIPINA, 1907–1909. GOBERNADOR NG ILOILO, 1912–1914. UNANG PILIPINONG DIREKTOR NG KAWANIHAN NG AGRIKULTURA, 1916–1925. YUMAO, 16 PEBRERO 1925.