Location: Taal Municipal Hall, Calle Marcela Mariño Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Sites/Events
Type: Site, Town
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG BAYAN NG TAAL
(1572)
UNANG ITINATAG SA POOK NG BALANGON NOONG 1572. DAHIL SA MADALAS NA PAGPUTOK NG BULKAN AY INILIPAT ANG BAYAN SA KASALUKUYANG POOK. NAGING KABISERA NOONG 1732 KAYA’T TAAL ANG IPINANGALAN SA BUONG LALAWIGAN. NANG MULING MASIRA ANG BAYAN DAHIL SA PAGPUTOK NG BULKAN NOONG 1754, ANG KABISERA AY INILIPAT SA BATANGAN AT ISINUNOD DITO ANG PANGALAN NG LALAWIGAN. ANG BULKAN NG TAAL, NA PINAKAMALIIT SA BUONG DAIGDIG, AT NASA GITNA NG LAWA NG BONBON AT SA BUNGANGA NG BULKAN AY MAY ISANG PULONG NASA ISA PANG MALIIT NA LAWA. PUMUTOK ANG BULKAN NOONG 1634, 1635, 1641, 1709, 1718, 1723, 1731, 1749, 1754, 1867, 1874, 1880, 1911 AT 1965. ANG NGAYO’Y MGA BAYAN NG LEMERY, SAN LUIS, AGONCILLO, SAN NICOLAS, AT STA. TERESITA AY DATING SAKOP NG TAAL.