Location: Samala Street, Kawit, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: November 11, 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BINAKAYAN
SA POOK NA ITO, NOONG NOBYEMBRE 9–11, 1898, NAGANAP ANG ISA SA PINAKAMADUDUGONG LABANAN SA CAVITE. SA PAMUMUNO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, SINAGUPA NG MAGIGITING NA MANGHIHIMAGSIK NA PILIPINO ANG REHIMYENTO 73 NA SINUSUPORTAHAN NG MAY LIMANG BATALYON NG MGA KASTILANG CAZADORES AT IMPANTERIYA NG MGA MARINO NA PINANGUNGUNAHAN NAMAN NG GOBERNADOR HENERAL RAMON BLANCO. NAGWAGI ANG MGA MANGHIHIMAGSIK NA PILIPINO SA LABANANG ITO NGUNIT SINAMANG-PALAD NA MASAWI SINA HENERAL CANDIDO TRIA TIRONA, SI KAPITAN SIMEON ALCANTARA AT MARAMI SA KANILANG MAGIGITING NA MGA KASAMA.
SA KARANGALAN NG MGA BAYANI NG LABANANG ITO, ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY BILANG PAGKILALA SA KANILANG KATAPANGAN AT KABAYANIHAN.