Location: Alitao, Tayabas, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: October 26, 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG LABANAN SA ALITAO
TAYABAS, QUEZON
SA POOK NA ITO NAGANAP NOONG NOBYEMBRE 1, 1841 ANG MADUGONG LABANAN SA PAGITAN NG PANGKAT NG MGA KASTILA SA PAMUMUNO NI TINYENTE JOAQUIN HUET SA PANGKAT NI APOLINARIO DE LA CRUZ (HERMANO PULE), ANG TAGAPAGTATAG NG SAMHANG COFRADIA DE SAN JOSE. BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN SI HERMANO PULE AT KANYANG MGA KAPANALIG NGUNIT ANG KANILANG KATAPANGAN AY HINDI NAGING SAPAT SA MALAKAS NA SANDATA NG MGA KASTILA. MARAMING KASAPI NG KAPATIRAN ANG NAMATAY SA LABANANG ITO, KABILANG NA YAONG MGA KABABAIHAN AT WALANG MALAY NA KABATAAN, SAMANTALANG ANG IBA AY SUGATAN AT NABIHAG.
NATIGMAK NG DUGO ANG BANAL NA LUPANG ITO MULA SA MGA KASAPI AT ALAGAD NG COFRADIA NI HERMANO PULE. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIALAY SA KANILANG KABAYANIHAN NG SAMBAYANANG PILIPINO NA SA KANILA AY PATULOY NA DUMADAKILA.