Location: Tarlac State University, College of Computer Studies Building, Romulo Boulevard, Brgy. San Vicente, Tarlac City, Tarlac
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: July 14, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KABISERA NG REPUBLIKA NG PILIPINAS
TARLAC, TARLAC
SA POOK NA ITO DATING NAKATAYO ANG CASA REAL NG TARLAC NA NAGSILBING TANGGAPAN NG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA KASAGSAGAN NG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 21 HUNYO 1899. DITO NILAGDAAN NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO ANG MAHAHALAGANG DEKRETO, KABILANG ANG PAGKILALA SA MGA HULING ESPANYOL NA SUMUKO SA BALER, 30 HUNYO 1899; ITINATAG ANG KAWANIHAN NG SALAPING PAPEL, 30 HUNYO 1899; IPINATUPAD ANG BATAS SA PAGKAMAMAMAYAN, 5 AGOSTO 1899; ITINATAG ANG SISTEMANG KOREYO, 29 AGOSTO 1899; BINUO ANG KORTE SUPREMA, 15 SETYEMBRE 1899. LUMISAN ANG PAMAHALAAN BUNSOD NG PAGDATING NG PUWERSANG AMERIKANO, 12 NOBYEMBRE 1899.