Location: Tamontaka, Cotabato City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 5, S. 2004
Marker date: 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHANG INMACULADA CONCEPCION NG TAMONTAKA
UNANG IPINATAYO NG MGA PARING HESWITA SA PAMPANG NG PANLAHATAN SA ILOG TAMONTAKA NOONG 1872 BILANG BAHAGI NG MISYONG TAMONTAKA UPANG PANGALAGAAN ANG KAPAKANAN NG MGA KABATAAN AT PALAGANAPIN ANG EBANGHELYO SA REHIYON NG COTABATO. IPINATAYO ANG PAARALAN PARA SA MGA KABATAANG LALAKI SA PANGANGASIWA NG MGA HESWITA AT PAARALAN PARA SA MGA KABATAANG BABAE SA PANGANGALAGA NG MGA BEATA NG SAN IGNACIO (NGAYO’Y RELIGIOUS OF THE VIRGIN MARY O RVM). INILIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO, 1879 AT NAGING SENTRO NG MISYONG HESWITA. NILISAN NG MGA PARING HESWITA, 1899 AT INILAGAY SA PANGANGALAGA NG MGA HESWITA NG ZAMBOANGA. PINANGASIWAAN NG MGA PARING OBLATES OF MARY IMMACULATE AT NAGING BAHAGI NG KANILANG MISYON SA COTABATO, 1939. NASIRA NG LINDOL, 17 AGOSTO 1976. MULING ITINAYO, 1978. NASUNOG, 11 MAYO 1994, AT ISINAAYOS NANG TAON DING IYON. IPINAHAYAG ANG POOK NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN, 19 HULYO 2004.