Location: Boljoon, Cebu (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Marker date: June 25, 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG BOLJOON
ITINATAG BILANG BISITA NG CARCAR NG MGA AGUSTINO NOONG 1599. NAGING ISANG NAGSASARILING PAROKYA SA PAGTATANGKILIK NG NUESTRA SENORA DE PATROCINIO, 1690. INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA HESWITA, 1737; IBINALIK SA MGA AGUSTINO, 1747. NATUPOK NG APOY ANG UNANG SIMBAHANG GAWA NG MGA AGUSTINO, 1782; IPINATAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN NI PADRE AMBROSIO OTERO , OSA, 1783; IPINAGPATULOY NI PADRE MANUEL CORDERO, OSA, 1794; GANAP NANATAPOS SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PADRE LEANDRO MORAN, OSA, 1920-1948. NAPASAILALIM SA PAMAMAHALA NG MGA SEKULAR NOONG MGA SUMUNOD NA TAON.
IPINAHAYAG NA ISANG PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, DISYEMBRE 15, 1999 SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973 NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 375, ENERO 14, 1974 AT BILANG 1505, HUNYO 11, 1978.