Location: Barangay O’Donnell, Capas, Tarlac (Region III)
Category: Sites/Events
Type: Memorial
Status: Level I- National Shrine
Legal basis: Resolution No. 1, s. 1989
Marker date: 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CAPAS CONCENTRATION CAMP
ITINATAG NOONG 1940 BILANG CAMP O’DONNELL. NAGSILBING BILANGGUAN NG MAHIGIT NA 40,000 KAWAL PILIPINO AT 9,000 KAWAL AMERIKANO NA BIHAG NG DIGMA NA DUMANAS NG DEATH MARCH. HUMIGIT-KUMULANG SA 30,000 ANG NAMATAY SA KAMPONG ITO SANHI NG SAKIT AT IBAYONG PAHIRAP MULA ABRIL HANGGANG HUNYO 1942. INILIBING SA IISANG HUKAY ANG MGA NASAWING BAYANI. NAKILALA SA PANGALANG CAPAS CONCENTRATION CAMP. NAGING BAHAGI NG CLARK AIR BASE MILITARY RESERVATION MAKARAAN ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IBINALIK SA REPUBLIKA NG PILIPINAS 9 ABRIL 1982. IPINAHAYAG NA ISANG PAMBANSANG DAMBANA 9 OKTUBRE 1991.