Location: Taal, Batangas (Region IV-A)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 22 January 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANANIAS DIOKNO
KILALA SA TAGURING HENERAL NG KARAGATAN. IPINANGANAK SA TAAL, BATANGAS, ENERO 22, 1860. NAGING KALIHIM NG DIGMA SA PAMAHALAANG PANGKAGAWARAN NG BATANGAS, 1898: NAMUMUNONG HENERAL NG HUKBONG EKSPEDISYUNARYO NG PANAY; MATAGUMPAY NA NAKIPAGLABAN SA BALWARTE NG MGA KASTILA SA AKLAN, ANTIQUE, CAPIZ AT LUNGSOD NG ILOILO: GOBERNADOR PAMPULITIKO-MILITAR NG CAPIZ. LUMAHOK SA PAKIKIPAGLABAN NG MGA GERILYA NOONG DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO SA CAPIZ, 1898. NAKIPAGLABAN AT NADAKIP NG MGA AMERIKANO SA MAY BUNDOK MAKAWIWILI, AKLAN, 1901. NAMATAY SA ARAYAT, PAMPANGA, NOBYEMBRE 2, 1922.