Location: Taal, Batangas (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: School
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ESCUELA PIA
ISANG PAARALANG PINANGASIWAAN NG SIMBAHAN AT IPINANGALAN SA ORDEN NG ESCUELA PIA, ISANG KONGREGASYONG NA ITINATAG NI SAN JOSE NG CALASANZ NOONG IKA-17 DAANTAON. ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO NOONG 1839, ANG KUMBENTO NG MGA ITO ANG NAGSILBING PAARALAN PARA SA MAHIHIRAP AT INIWANG KABATAAN NG TAAL. ANG KASALUKUYANG GUSALI AT IPINATAYO NI P. ANICETO APARICIO, 1885. NAGING PAARALANG SENTRAL NOONG PANAHON PANANAKOP NG MGA AMERIKANO. ANG RESTORASYON NG LUMANG GUSALI, NA ISA SA MGA PINAKAMATANDANG INSTITUSYONG EDUKASYONAL SA PILIPINAS, AY SINUMULAN NG TAAL ARTS AND CULTURE MOVEMENT, INC. SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN. SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSANG BILANG 375, 14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG PAARALANG ITO AY IPINAHAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.