Location: Fort Santa Isabel, Rizal Street, Poblacion, Taytay, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II – Historical marker
Marker date: April 16, 1993
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KUTANG SANTA ISABEL
(TAYTAY)
UNANG IPINATAYO NA YARI SA KAHOY NG MGA MISYONERONG REKOLETO, 1667. HIMPILAN NG KAMPANYANG PANGKAPAYAPAAN NG MGA KASTILA SA PARAGUA (PALAWAN). SA PAGSUSUMIKAP NI GOBERNADOR FERNANDO MANUEL DE BUSTILLO, MULING IPINATAYO NA YARI SA BATO AT MAY APAT NA TANGGULAN NA NAGPAPARANGAL KINA SANTO TORIBIO, SAN MIGUEL, SAN JUAN AT SANTA ISABEL. NOONG UNANG SANGKAPAT NG IKA-18 DANTAON, PINANGSIWAAN NI DON FERNANDO VELEZ DE ARCE AT NATAPOS NOONG KALAGITNAAN NG DANTAONG DING IYON. ANG KUTANG ITO AY NAGSILBING MATIBAY NA MUOG NA NAGMAMATYAG SA MGA SASAKYANG PANDAGAT NA PANGKALAKAL AT SUMASALAKAY NA MGA TULISANG DAGAT.