Location: Palapag, Northern Samar (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 16, 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUMANG SIMBAHAN NG PALAPAG
ITINATAG NG MGA HESWITA BILANG MISYON NG CABO DE ESPIRITU SANTO SA HILAGANG SAMAR SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1605. IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY AT NIPA. DITO NAGSIMULA ANG HIMAGSIKAN NI AGUSTIN SUMUROY NA LUMAGANAP SA IBANG BAHAGI NG SAMAR AT LEYTE, 1 HUNYO 1649. TINAPOS NI IGNACIO ALCINA, S.J. ANG SIMBAHANG MAY HUGIS KRUS, KUMBENTO AT KUTA NA YARI SA KORALES AT BATO BILANG TANGGULAN SA MGA PIRATA, 1663. DITO TUMULOY ANG MGA HESWITA, PRANSISKANO, AT DOMINIKANO NA LULAN NG GALYONG “CONCEPCION” NA DUMAONG SA PALAPAG, 1666. ISINAILALIM SA PAMAMAHALA NG MGA PARING PRANSISKANO, 1768–1941. HULING GINAMIT NANG MATAPOS ANG BAGONG SIMBAHAN, MGA TAONG 1970. IPINATAYO SA HARAPAN NITO ANG MALAKING KRUS BILANG ALAALA SA IKA-400 NA TAONG PAGKAKATATAG NG KRISTYANISMO SA HILAGANG SAMAR, 1995.