Location: Barlin National Park, Baao, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: Level I- National Monument
Marker date: April 23, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JORGE BARLIN Y IMPERIAL
UNANG PILIPINONG OBISPO. IPINANGANAK SA BAAO, CAMARINES SUR, ABRIL 23, 1850. INORDENANG PARI, 1874 AT PAGKARAAN AY HINIRANG NA CAPELLAN DE SOLIO AT MAYORDOMO NG KATEDRAL NG NUEVA CACERES. KURA PAROKO NG SIRUMA, CAMARINES SUR, 1880, AT LIBOG, ALBAY, 1883; VICARIO FORANEO NG LALAWIGAN NG SORSOGON AT KURA PAROKO NG KABISERA NITO, 1887. NAMAHALA NG LALAWIGAN NG SORSOGON, TAGAPAGTANGGOL NG MGA KARAPATAN NG SIMBAHANG KATOLIKO. PINAGKALOOBAN NG MITRA NG CACERES SA LIHIM NA KONSISTORYO NG VATICANO, DISYEMBRE 14, 1905, AT KINONSEGRAHANG OBISPO SA MAYNILA, HUNYO 29, 1906. NAG-IMBOKASYON SA PAGBUBUKAS NG ASEMBLEYA NG PILIPINAS, OKTUBRE 16, 1907 NAMATAY SA ROMA, SETYEMBRE 4,1909.
SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILAN 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MG KAUTUSAN BILANG 375, 15 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG BANTAYOG.