Location: Plaza Moriones, Moriones Street cor. Nicolas Zamora Street, Tondo, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2010
Marker text:
HONORIO LOPEZ
(1875–1958)
MANDUDULA AT REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA STA. CRUZ, MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1875 AT LUMAKI SA TONDO. NAGTAPOS NG BACHILLER EN ARTES SA COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN. SUMAPI SA HIMAGSIKANG FILIPINO. NAGING TINYENTE KOLONEL AT HEPE NG REHIMYENTO IMPANTERIYA RAXA MATANDA “VIBORA”, SA ILALIM NG PAMUMUNO NI HEN. ARTEMIO RICARTE. NAGPATULOY NG PAKIKIBAKA LABAN SA MGA AMERIKANO, 1899. MAY-AKDA NG CALENDARIONG FILIPINO “DIMASALANG”. KASAMA NI JUAN ABAD NA NAGTATAG NG LA JUVENTUD FILIPINA, ISANG KUMPANYA NA NAGTATANGHAL NG MGA DULANG MAKABAYAN. NAGING PATNUGOT NG PAHAYAGANG LIBRE, LA PATRIA AT LA CONSOLIDACION NOONG PANAHON NG MGA AMERIKANO. PROPESOR NG AGRIMENSURA AT SEGUNDA ENSEÑANZA; DIREKTOR NG KOLEHIYO, INSTITUTO PATRIO, CA. 1907–09. ASESOR TECNICO, COMITE CENTRAL NG UNION AGRARIA DE FILIPINAS. NAHALAL NA KONSEHAL NG MAYNILA, 1916–1919. HINIRANG NA KASAPI NG VETERANS PENSION BOARD, 1954. KATULONG NA TEKNIKAL NINA PANGULONG RAMON MAGSAYSAY AT CARLOS P. GARCIA. YUMAO, 3 HULYO 1958. IPINANGALAN SA KANYA ANG NORTH BAY BOULEVARD SA TONDO NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, BILANG PARANGAL SA KANYANG LEGADO, 1 PEBRERO 1967.