Location: Lazi, Siquijor (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Marker date: May 19, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG LAZI
ANG PAROKYANG ITO AY ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO REKOLETO SA ILALIM NG PATRONATO NI SAN ISIDRO LABRADOR NOONG 1857. ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO AY IPINATAYO SA PANGANGASIWA NG P. TORIBIO SANCHEZ, O.A.R. YARI SA MGA BATONG-DAGAT AT MATITIGAS NA KAHOY, ANG SIMBAHAN AY TINAPOS NG MGA PILIPINONG ARTESANO NONG 1884 AT ANG KAMPANARYO PAGKALIPAS NG ISANG TAON. ANG MALUWANG NA KUMBENTO AY SINIMULAN NOONG 1887 AT BINASBASAN NOONG 1891. MAY SUKAT NA 42 SA 38 METRO, ANG KUMBENTONG ITO AY ISA SA PINAKAMALAKI SA PILIPINAS.
SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO AY IPINAHAYAG NA MGA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.