Location: T.M. Kalaw St., Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 30, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE
ITINATAG BILANG HISTORICAL RESEARCH AND MARKERS COMMITEE (KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 451, OKTUBRE 23, 1933) NG GOBERNADOR HENERAL FRANK MURPHY UPANG LAGYAN NG PIRMIHANG PANANDA ANG ATING MGA MAKASAYSAYANG POOK, PANGYAYARI AT MGA DAKILANG TAO NG NAGDAANG PANAHON. NAGING PHILIPPINE HISTORICAL COMMITTEE SA BISA NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 91, ENERO 23, 1937, SAMANTALA, KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG IKA-100 TAONG KAPANGANAKAN NG ATING PAMBANSANG BAYANI, ITINATAG ANG JOSE RIZAL NATIONAL CENTENNIAL COMMISSION (KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 52, AGOSTO 10, 1954) NA NAGING RIZAL PRESIDENTIAL COMMITTEE PAGKARAAN NAGING NATIONAL HEROES COMMISSION (KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 28, DISYEMBRE 27, 1962). BINUWAG KASAMA ANG PHILIPPINE HISTORICAL COMMITTEE AT NAGPANIBAGONG-TATAG SA PANGALANG NATIONAL HISTORICAL COMMITTEE (BATAS NG REPUBLIKA BLG. 4368, HUNYO 19, 1965). NAGING NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE ALINSUNOD SA INTEGRATED REORGANIZATION PLAN NG SANGAY TAGAPAGPAGANAP NG PAMAHALAAN AYON NA RIN SA ITINATADHANA NG KAUTUSAN NG PANGULO BLG. 1, SETYEMBRE 24, 1972. ANG PAGTATAYO NG KASALUKUYANG GUSALI AY SINIMULAN NOONG 1989 AT NATAPOS NOONG 1993. NASA GUSALING ITO ANG MUSEO NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS.