Location: Baguio City, Benguet (Region CAR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 15, 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BRENT SCHOOL
ITINATAG NI OBISPO CHARLES HENRY BRENT BILANG BAGUIO SCHOOL FOR BOYS NOONG 1909 SA LAYUNING MANGALAGA SA PANGANGAILANGANG PANG-EDUKASYON NG MGA KABATAANG LALAKING AMERIKANO AT MGA ANAK NG MGA MISYONERONG EPISKOPO, MGA SUNDALO AT MGA MANGANGALAKAL NA INGLES. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG BRENT SCHOOL NOONG 1923 BILANG PARANGAL KAY OBISPO BRENT. ANG MGA KAWANI AT MAG-AARAL NITO AY PANANDALIANG INILIPAT SA KWARTEL NG MGA ISKAWT SA CAMP JOHN HAY AT PAGKARAAN SA CAMP HOLMES NOONG PANANAKOP NG MGA HAPON. TUMANGGAP NG MGA MAG-AARAL NA MGA PILIPINO, 1947. ITINALA BILANG KORPORASYON NOONG 1954. NAGTATAG NG MGA SANGAY SA LABAS NG LUNGSOD NG BAGUIO, 1984. ANG MGA MAG-AARAL NITO AY PATULOY NA HINUHUBOG NG PAARALAN BILANG MGA MAAASAHANG MAMAMAYAN NG DAIGDIG AT MGA PINUNO SA KANI-KANILANG PAMAYANAN SA ISANG EKUMENIKAL AT KRISTIYANONG KAPALIGIRAN.