Location: Jaro, Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: School
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SEMINARYO NG SAN VICENTE FERRER
ITINATAG UPANG PAGSANAYAN NG MGA KLERIKONG DIYOSESANO, 1869. DATING NASA PALASYO NG OBISPO, SA ILALIM NG PANGANGALAGA NG MGA PARI SA KONGREGASYON NG SAN VICENTE DE PAUL. ITINAYO ANG UNANG GUSALI, 1871; ITINATAG AT BINUKSAN ANG KLASE SA KOLEHIYO NG SEMINARYO NG SAN VICENTE DE PAUL, 1872. GINAWANG TIRAHAN NG MGA AMERIKANO, 1899, NGUNIT PAGKARAAN AY MULING IBINALIK SA MGA PARING VINCENTIAN. NASUNOG, 1906; MULING ITINAYO, 1912. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. MULING BINUKSAN NG PAARALAN, 1946. ANG KASALUKUYANG GUSALI AY GANAP NA NATAPOS, HUNYO 19, 1954 AT PINASINAYAAN, AGOSTO 15, 1954. ILANG SA MGA KILALANG NAGSIPAGTAPOS SA SEMINARYONG ITO AY SINA GRACIANO LOPEZ JAENA, MARTIN DELGADO, QUINTIN SALAS, RAMON AVANCEÑA, DELFIN JARANILLA, ANG KANYANG KABUNYIAN JAIME CARDINAL SIN AT IBA PA.