Location: Sta. Barbara, Iloilo (Region VI)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
PAMAHALAANG MAPANGHIMAGSIK NG KABISAYAAN
(1898)
SA POOK NA ITO UNANG IWINAGAYWAY ANG BANDILANG PILIPINO SA KABISAYAAN AT MINDANAW NANG PASINAYAAN ANG PAMAHALAANG MAPANGHIMAGSIK NG KABISAYAAN NOONG NOBYEMBRE 17, 1898, SA PAMAMAHALA NI HENERAL MARTIN TEOFILO DELGADO. NAHIRANG NA MGA PINUNO NG NASABING PAMAHALAAN SINA ROQUE LOPEZ, PANGULO; VICENTE FRANCO, PANGALAWANG PANGULO AT KALIHIM PANLOOB; VENANCIO CONCEPCION, KALIHIM NG PANANALAPI; RAMON AVANCEÑA, KALIHIM NG ESTADO; JOVITO YUSAY, KALIHIM NG KATARUNGAN; JULIO HERNANDEZ, KALIHIM PANDIGMA; FERNANDO SALAS, KALIHIM-PANLAHAT; MARTIN DELGADO, KATAAS-TAASANG HENERAL; AT PERFECTO POBLADOR AT PASCUAL MAGBANUA, MGA HENERAL NG DIBISYON.