Location: Dumaguete, Negros Oriental (Region VI)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 28 October 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SISTERS OF ST. PAUL OF CHARTRES
DUMATING ANG MGA UNANG KAWANI NG SAINT PAUL OF CHARTRES SA PAANYAYA NI MONSIGNOR FREDERIC Z. ROOKER, OBISPO NG JARO, ILOILO UPANG TUMULONG SA EDUKASYON NG MGA KABATAAN NG PULO NG NEGROS, 1904. DUMAONG ANG MGA UNANG MADRE NG SPC SA DUMAGUETE, 29 OCTUBRE 1904. SILAY AY SINA MO. MARTHE DE ST. PAUL LEGENDRE, SR. MARIE LOUISE DU SACRE COEUR NIVOU, SR. ANNA DE LA CROIX ANNE, SR. ANGE MARIE BANNIER (PRANSES); SR. MARIE JOSEPHINE RAPPEPORT (AMERIKANO); SR. CATHERINE DE GENES GUTTERES (PORTUGUES) AT SR. CHARLES AHO (TSINO). SI MARIA ECHAVEZ (SR. AMBROISINE) ANG UNANG PILIPINANG KAWANI, 1904. NAGBUKAS ANG INSTITUTO DE SAN PABLO (ST. PAUL ACADEMY), 9 ENERO 1905. SI MO. MARIE MADELEINE DENOGA ANG UNANG PILIPINANG SUPERYORA NG KONGREGASYON, 1965. TINATAG AT PINAMAHALAAN NG KONGREGASYONG SISTERS OF ST. PAUL OF CHARTRES ANG MAHIGIT NA 60 PAARALAN, PAGAMUTAN, AT IBA PANG MAPAGKAWANG GAWANG INSTITUSYON SA PILIPINAS.