Location: Loon, Bohol (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG LOON
ITINATAG NG MGA HESWITA, 1753. INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA AUGUSTINIAN RECOLLECTS, 1768. NASUNOG ANG UNANG SIMBAHAN MALIBAN ANG HARAPAN, 1850’S. KASAMA ANG HARAPAN NG DATING GUSALI, MULING IPINATAYO AYON SA DISENYO NI DOMINGO ESCONDRILLAS, 1855–1864. GINAMIT NG MGA PWERSANG AMERIKANO BILANG GARISON SA KANILANG KAMPANYA LABAN SA MGA FILIPINONG GERILYA, 1901. ISINAGAWA NI RAY FRANCIA, CEBUANONG PINTOR, ANG MGA PINTADONG OBRA SA LOOB NG SIMBAHAN, 1938. PANGUNAHING PATRON ANG NUESTRA SEÑORA DE LA LUZ O BIRHEN SA KASILAK AT PANGALAWANG PATRON SI ST. JOSEPH THE WORKER. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2010.