Location: Taytay, Rizal (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: June 24, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG TAYTAY
DATING YARI SA MAHINANG KAGAMITAN NA IPINATAYO NG MGA MISYONERONG PRANSISKANO MALAPITSA BAYBAYIN NG LAGUNA DE BAY, 1579. HIWALAY BILANG VISITA NG SANTA ANA DE SAPA, 1583. INILIPAT SA KASALUKUYANG POOK NI P. PEDRO CHIRINO, S.J., 1591 AT BININYAGAN ANG BAYAN NG PANGALANG SAN JUAN DEL MONTE. IPINAGAWA ANG UNANG SIMBAHANG BATO SA LABAS NG MAYNILA. MULING IPINAGAWA ANG PANGALAWANG SIMBAHANG BATO NA HIGIT NA MALAKI NI P. JUAN DE SALAZAR,1630. NASIRA ANG BUBUNGAN NG MALAKAS NA BAGYO, 1632; IPINAAYOOS SA PAMAMAHALA NG MGA SEKULAR, 1768; AT SA MGA AGUSTINONG-REKOLETOS, 1864. MULING NASUNONG NOONG DIGMAANG FILIPINO-AMERIKANO, 1899; PINALAKI PARA MATUGUNAN ANG LUMALAKING POPULASYON NOONG MGA UNANG TAON NANG 1970’S.