Location: J.P. Laurel Street, San Miguel, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Government Building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2011
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KALAYAAN HALL
ITINAYO BILANG EXECUTIVE BUILDING SA ADMINISTRASYON NI GOBERNADOR-HENERAL FRANCIS BURTON HARRISON, 1920. IDINAGDAG ANG PANGALAWANG PALAPAG SA ADMINISTRASYON NI PANGULONG MANUEL L. QUEZON AT GINAWANG OPISYAL NA TANGGAPAN NG PANGULO, KONSEHO NG ESTADO AT GABINETE, 1939. SA GUSALING ITO NANUMPA SI PANGULONG ELPIDIO QUIRINO, 17 ABRIL 1948; AT CARLOS P. GARCIA, 18 MARSO 1957. PINANGALANANG MAHARLIKA HALL NI PANGULONG FERDINAND E. MARCOS. DITO NAGTAPOS ANG MAPAYAPANG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, GABI NG 25 PEBRERO 1986. PINANGALANANG KALAYAAN HALL NI CORAZON C. AQUINO BILANG PARANGAL SA TAGUMPAY NG MGA FILIPINONG NAGKAISA UPANG MAIBALIK AT PAIRALING MULI ANG DEMOKRASYA SA BANSA, 1986.
INALISAN NG TABING NG KAGALANGGALANG NA PANGULONG BENIGNO S. AQUINO, III, 26 PEBRERO 2011 BILANG PANGGUNITA SA IKA-25 ANIBERSARYO NG MAPAYAPANG PEOPLE POWER REVOLUTION.