Location: Bagong Pag-asa, Quezon City (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Association
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 6 May 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION
ITINATAG, SETYEMBRE 15, 1903, NG MGA AMERIKANO AT PILIPINONG DOKTOR BILANG PHILIPPINE ISLANDS MEDICAL ASSOCIATION, NA ANG NUKLEO AY ANG MANILA MEDICAL SOCIETY, SA ADHIKAING PAG-ISAHIN ANG MGA PILIPINONG DOKTOR PARA SA PAGSASANAY AT PAGPAPAUNLAD NG AGHAM SA PANGGAGAMOT, PANGANGALAGA NG KALUSUGAN, AT PAGTUTULUNGAN NG BAWA’T KASAPI. NAGING PAWANG MGA PILIPINONG DOKTOR ANG MGA KASAPI NOONG MGA 1920. NAGING PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION, 1939. SUMAPI SA AMERICAN MEDICAL ASSOCIATION HANGGANG KILANLIN NG AMERIKA ANG KASARINLAN NG PILIPINAS, 1946 AT NG WORLD MEDICAL ASSOCIATION, 1949. GINAWARAN NG CORPORATE STATUS, 1963. NANGUNA UPANG MAITATAG ANG KAWANIHAN NG KALUSUGAN, KOLEHIYO NG MEDISINA NG PAMANTASAN NG PILIPINAS AT KAGAWARAN NG KALUSUGAN. NAGPANUKALA NG PAGSASABATAS NG MEDICAL ACT NG 1959, PHILIPPINE MEDICAL CARE ACT NG 1969 AT IBA PANG BATAS UKOL SA NUTRISYON, PAGKONTROL NG MGA NAKAHAHAWANG SAKIT AT PAGSASAAYOS NG IBA PANG MGA PROPESYONG MEDIKAL. ANG PUNONG HIMPILAN NITO’Y NAGING TAHANAN NG MGA SINALANTA NG PAGSABOG NG BULKANG PINATUBO, 1991.