Location: Epifanio Delos Santos Avenue, Camp Aguinaldo, Quezon City (Region NCR)
Category: Site/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 25 February 2011
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EDSA PEOPLE POWER
NAGTIPON ANG LIBU-LIBONG MAMAMAYAN BILANG TUGON SA PANAWAGAN NG ARSOBISPO NG MAYNILA, JAIME CARDINAL SIN[,] UPANG BIGYAN PROTEKSYON SINA JUAN PONCE ENRILE, MINISTRO NG TANGGULANG PAMBANSA; TEN. HENERAL FIDEL V. RAMOS, PANGALAWANG PINUNO NG HUKBONG SANDATAHAN NG PILIPINAS AT ANG MGA REBELDENG SUNDALONG KABILANG SA REFORM THE ARMED FORCES MOVEMENT, NA TUMIWALAG SA ADMINISTRASYON NI PANGULONG FERDINAND E. MARCOS AT NAGKANLONG SA KAMPO CRAME AT AGUINALDO, 22–25 PEBRERO 1986. NANUMPA SI GINANG CORAZON C. AQUINO BILANG PANGULO NG PILIPINAS SA CLUB FILIPINO, SAN JUAN, METRO MANILA, 25 PEBRERO 1986. KINAGABIHAN NG ARAW DING IYON NILISAN NG PAMILYANG MARCOS ANG MALACAÑANG, KASAMA ANG ILANG TAGASUNOD. ITO ANG NAGING KATAPUSAN NG 20 TAONG REHIMENG MARCOS AT KULMINASYON NG MAHABANG PANAHONG PAKIKIBAKA UPANG IBALIK AT PAIRALING MULI ANG DEMOKRASYA SA BANSA.
INALISAN NG TABING NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG BENIGNO S. AQUINO, III, 25 PEBRERO 2011 BILANG PAGGUNITA SA IKA-25 ANIBERSARYO NG MAPAYAPANG PEOPLE POWER EDSA REVOLUTION.