Location: Heroes Hall, San Fernando, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical markers
Marker date: 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE ABAD SANTOS
1886–1942
HURISTA, ESTADISTA, AT MAKABAYAN. ISINILANG SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 19 PEBRERO 1886. PENSYONADO NG PAMAHALAANG PILIPINO SA ESTADOS UNIDOS AT NAGTAPOS NG ABOGASYA, 1904–1909. HUMAWAK NG MGA MAHAHALAGANG POSISYON SA PAMAHALAAN: TAGAPAYONG TEKNIKO, UNANG MISYON PARA SA KALAYAAN NG PILIPINAS SA ESTADOS UNIDOS, 1919; KALIHIM NG KATARUNGAN, 1922–1923, 1928–1932, 1938–1941; PUNONG MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS AT KALIHIM NG PANANALAPI, AGRIKULTURA AT KOMERSYO, DISYEMBRE 1941. PANSAMANTALANG PANGULO NG PAMAHALAANG KOMONWELT MATAPOS LUMISAN SI PANGULONG MANUEL L. QUEZON, MARSO 1941. DINAKIP KASAMA ANG ANAK NA SI PEPITO NG MGA PUWERSANG HAPON SA CEBU AT DINALA SA PARANG, COTABATO, ABRIL 1942. PINATAY SA MALABANG, LANAO DEL SUR DAHIL SA PAGTANGGING MAKIISA SA PUWERSANG HAPON, 1 MAYO 1942.