Location: DOH Compound, Sta. Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIXTO YLAGAN OROSA Y AGONCILLO
(1891–1981)
IPINANGANAK, AGOSTO 6, 1891, TAAL, BATANGAS. NAGTAPOS, DOKTOR SA MEDISINA, PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1914. NAGING PAMBAYANG PUNONG PANGKALUSUGAN SA MGA PAMAYANANG MUSLIM, 1914. KATULONG ANG KANYANG MAYBAHAY, BINUKSAN ANG SULU PUBLIC HOSPITAL, 1916. ITINATAG AT NAGING UNANG PUNO, DIBISYON NG PAGAMUTAN, DISPENSARYO AT LABORATORYO, 1923; UNANG PUNO AT PANGUNAHING SIRUHANO, OCCIDENTAL NEGROS PROVINCIAL HOSPITAL 1926; TAGAPAGTATAG, 14 NA RED CROSS EMERGENCY HOSPITALS SA MAYNILA NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON AT NG SECRET MEDICAL MERCY MISSION NA NAGDALA NG MGA SUGATANG AMERIKANO MULA BATAAN PATUNGONG AUSTRALIA. KINATAWAN, PANGKALAHATANG PAGPUPULONG NG WORLD HEALTH ORGANIZATION SA GENEVA AT KAPULUNGANG PANREHIYON SA KANLURANG PASIPIKO SA MAYNILA, 1951. NAKATUKLAS SA RHINOSPORIDIOSES. AMA NG BATAS BILANG 3168. MAY-AKDA, THE SULU ARCHIPELAGO AND ITS PEOPLE, RIZAL, MAN AND HERO AT THROUGH THREE GENERATIONS. PINAGKALOOBAN NG ZOBEL LITERARY AWARD, 1959, AT GRAND CROSS OF RIZAL, 1966. NAMATAY, ABRIL 21, 1981.