Location: Baler, Aurora
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: February 19, 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
AURORA ARAGON QUEZON
(1888-1949)
LIDER SIBIKO AT PANGUNAHING UNANG GINANG SA ILALIM NG MALASARILING PAMAHALAAN NG PILIPINAS. IPINANGANAK NOONG IKA-19 NG PEBRERO 1888 SA BALER, TAYABAS (NGAYO’Y SAKOP NG LALAWIGAN NG AURORA). NAGARAL SA PAARALANG NORMAL NG PILIPINAS. IKINASAL SA HONGKONG KAY MANUEL LUIS QUEZON, PANGULO NG SENADO NOONG 1918. MGA ANAK: MARIA AURORA, MARIA ZENAIDA, LUISA CORAZON PAZ AT MANUEL L., JR.
NAGTATAG AT NAGSAGAWA NG IBA’T IBANG BATAYAN NG KAALAMAN PARA SA MAMAMAYAN, LALO NA NG KABATAAN, SA BALER UPANG MAPAUNLAD ANG KARUNUNGANG BUMASA’T SUMULAT AT MAITAGUYOD ANG MGA TUNGKULIIVG PAMBAYAN. MAKARAANG MAMATAY ANG PANGULONG QUEZON (1944) NAGTAGUYOD NG MGA GAWAING PANLIPUNAN AT PANRELIHIYON PARA MAPABUTI ANG PAMANTAYAN NG PAMUMUHAY AT PAGBIBIGAY NG KARUNUNGAN AT BIYAYA SA MGA KAPUSPALAD. NAMUNO PARA MAKILALANG ISANG PAMBANSANG SAMAHAN ANG KRUS NA PULA AT NAGING UNANG BABAENG PANGULO NITO.TINANGKILIK ANG PAGTATAYONG MULI NG MAKASAYSAYANG SIMBAHAN NG BALER.
HABANG PAUWI NG BALER, TINAMBANGAN NG ISANG PANGKAT NG HUKBALAHAP SA NUEVA ECIJA AT KASAMANG NAPATAY SI MARIA AURORA, MANUGANG FELIPE BUENCAMINO III AT ILANG KAIBIGAN NOONG IKA-28 NG ABRIL 1949.BILANG PARANGAL SA KANYA, ITINATAG ANG SUB-LALAWIGAN NG AURORA NOONG 1951 SA PAMAMAGITAN NG BATAS NG REPUBLIKA BLG. 648 AT GINAWANG LALAWIGAN ITO SA BISA NG BATAS PAMBANSA BLG. 7 NOONG 1978.