Location: Jesse Robredo Museum, J. Miranda Avenue cor. Taal Avenue, Naga, Camarines Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 18 August 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JESSE M. ROBREDO
1958–2012
PUNONG LUNGSOD NG NAGA, KALIHIM NG KAGAWARAN NG INTERYOR AT LOKAL NA PAMAHALAAN, AT PANGULO NG LEAGUE OF CITIES OF THE PHILIPPINES.
ISINILANG SA LUNGSOD NG NAGA, CAMARINES SUR NOONG IKA-27 NG MAYO 1958. NAGSIMULA SIYA SA SERBISYO PUBLIKO BILANG PROGRAM DIRECTOR NG BICOL RIVER BASIN DEVELOPMENT PROGRAM NOONG 1986. NAHALAL SIYA BILANG PUNONG LUNGSOD NG NAGA NOONG 1988 AT NAGSILBI NANG 19 TAON, MULA 1988–1998 AT 2001–2010. BILANG ISANG LINGKOD-BAYAN, GINAWARAN SIYA NG RAMON MAGSAYSAY AWARD PARA SA KANIYANG PAGSULONG NG AKTIBONG PAKIKILAHOK NG TAUMBAYAN SA PAMAMAHALA. ITINALAGA SIYA BILANG KALIHIM NG INTERYOR AT PAMAHALAANG LOKAL NOONG 2010. BILANG KALIHIM, IPINATUPAD NIYA ANG FULL DISCLOSURE POLICY UPANG TIYAKING TAPAT AT WASTO ANG PAGGAMIT NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PERA NG BAYAN. PUMANAW SIYA NOONG IKA-18 NG AGOSTO 2012. BILANG PAGKILALA SA KANYANG NATATANGING NAGAWA SA MABUTING PAMAMAHALA, IPINAGKALOOB SA KANIYA ANG LEHIYONG PANDANGAL NG PILIPINAS NA MAY RANGGONG PUNONG KOMANDANTE AT ANG KRUS NG SERBISYO NI QUEZON, ANG PINAKAMATAAS NA KARANGALANG MAIGAGAWAD NG REPUBLIKA.