Location: Barcelona, Sorsogon
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 25 September 2020
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BARCELONA
ITINATAG ANG PAROKYA SA PATRONATO NI SAN JOSE KASABAY NG PAGTATAG NG BAYAN NG BARCELONA NA BINUO MULA SA DANLOG AT TAGDON, MGA BISITA NG GUBAT; LAYOG AT MACABARI, MGA BISITA NG BULUSAN, 1865. IPINATAYO ANG SIMBAHANG YARI SA KORALES AT BATONG-BUHAY NA MAY ESTILONG NEO-CLASSICAL, 1874. NAPASAILALIM SA DIYOSESIS NG SORSOGON MULA SA DIYOSESIS NG NUEVA CACERES, 1951. ISINAAYOS NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2020.