Location: Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker, School
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL
ANG PILOT SCIENCE HIGH SCHOOL SA BANSA. NAGSIMULA BILANG SPECIAL SCIENCE CLASS (SSC) SA KAMPUS NG MANILA HIGH SCHOOL (MHS), INTRAMUROS, MAYNILA NA KINABILANGAN NG MGA PILING MAG-AARAL NG UNANG ANTAS MULA SA MGA MATAAS NA PAARALANG PAMPUBLIKO NG MAYNILA, NOBYEMBRE 1959. GUMAMIT NG KURIKULUM NG BRONX HIGH SCHOOL OF SCIENCE NG NEW YORK SA PAMUMUNO NI AUGUSTO A. ALZONA, PUNONG-GURO NG MHS. HUMIWALAY ANG SSC MULA SA MHS SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 426 NG KAPULUNGANG BAYAN NG MAYNILA, 18 HUNYO 1963. NAGING MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL, OKTUBRE 1963. LUMIPAT SA GUSALING H.A. BORDNER, DAANG TAFT, MAYO 1967.