Location: Santa Cruz, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 28 October 1979
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NAGKAKAISANG METODISTANG SIMBAHANG KNOX
(KNOX UNITED METHODIST CHURCH)
(ITINATAG 1899)
SA POOK NA ITO NAGSIMULA ANG UNANG PAMAYANAN NG PROTESTANTENG SIMBAHANG EBANGHELIKAL SA PILIPINAS, NANG ISANG MISYONERONG AMERIKANO NG SIMBAHANG METODISTA, SI OBISPO JAMES W. THOBURN, AY BUMIGKAS NG UNANG SERMONG EBANGHELIKAL SA BANSA, NOONG MARSO 5, 1899. BAGO MATAPOS ANG TAON SI NICOLAS ZAMORA AY INORDENANG UNANG MINISTRONG PROTESTANTE NA PILIPINO AT NAGLINGKOD SA “UNANG SIMBAHANG METODISTA” DITO SA PILIPINAS. ISANG PANSAMANTALANG KAPILYA ANG IPINATAYO DITO HANGGANG SA ISANG PERMANENTENG GUSALI ANG IPINAGAWA NOONG 1906 SA PAMAMAGITAN NG DONASYON NG ISANG KILALANG MANGGAGAWA NG SUMBRERO SA LUNGSOD NG NUWEBA YORK. AT BILANG ALAALA SA KANYA, ANG SIMBAHAN AY TINAGURIAN SA KANYANG PANGALAN. ITO AY MULING IPINAAYOS NANG NAAAYON SA MAKABAGONG ARKITEKTURA NOONG 1952.