Location: Guagua, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 26 August 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
RUFINO J. CARDINAL SANTOS
(1908–1973)
UNANG FILIPINONG KARDINAL. ISINILANG SA GUAGUA, PAMPANGA, 26 AGOSTO 1908. NAG-ARAL SA SEMINARYO NG SAN CARLOS, 1921–1927. NAGTAPOS NG CANON LAW, 1929; AT DOCTORATE IN SACRED THEOLOGY, 1931, SA PONTIFICAL GREGORIAN UNIVERSITY SA ROMA, ITALYA. INORDINAHAN BILANG PARI SA BASILICA OF SAINT JOHN LATERAN SA ROMA, 25 OKTUBRE 1931. NAGLINGKOD BILANG KATULONG NA KURA PAROKO NG IMUS, CAVITE, 1931. KURA PAROKO NG MARILAO, BULACAN, 24 SETYEMBRE 1932. TAGAPAMAHALA NG INSTRUKSYONG PANRELIHIYON NG ARSOBISPADO NG MAYNILA, 1934–1938; KALIHIM-INGAT YAMAN AT KATULONG NA OBISPO, 1939–1940. DINAKIP NG MGA HAPONES, 4 PEBRERO 1944. NAKALAYA SA TULONG NG PINAGSAMANG PUWERSANG AMERIKANO AT MGA FILIPINONG GERILYA, 5 PEBRERO 1945. VICAR GENERAL NG ARSOBISPADO NG MAYNILA, HULYO 1945. INORDINAHANG OBISPO, 24 OKTUBRE 1947. VICAR MILITARY GENERAL NG PILIPINAS, 10 DISYEMBRE 1951. HINIRANG NA ADMINISTRADRO PANG-APOSTOLIKO NG MAYNILA MATAPOS YUMAO NI ARSOBISPO GABRIEL REYES, OKTUBRE 1952. ITINALAGA NI POPE PUIS XII BILANG ARSOBISPO NG MAYNILA, 18 PEBRERO 1953. NANGUNA SA PAGPAPAAYOS NG KATEDRAL NG MAYNILA, 1956–1958. HINIRANG NI POPE JOHN XXIII BILANG KARDINAL,31 MARSO 1960. IPINATAYO ANG POPE PIUS XII CATHOLIC CENTER, 1961. YUMAO SA MAYNILA, 3 SETYEMBRE 1973.