Location: Laoag, Ilocos Norte
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1 March 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAPITOLYO NG LALAWIGAN NG ILOCOS NORTE
ITINAYO AYON SA DISENYO NI RALPH HARRINGTON DOANE AT SA PANGANGASIWA NINA JOSE PAEZ AT TOMAS MAPUA, 1917–1925. NILISAN NI GOBERNADOR ROQUE ABLAN AT IPINAGPATULOY ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA KABUNDUKAN NG MAANANTENG, SOLSONA, ILOCOS NORTE NANG DUMATING ANG HUKBONG HAPON SA LAOAG, 12 DISYEMBRE 1941. NABAWI NG 15TH INFANTRY, UNITED STATES ARMY FORCES IN THE PHILIPPINES–NORTHERN LUZON, 13 PEBRERO 1945. ISINAAYOS, 1957, AT PINASINAYAAN NI PANGULONG CARLOS P. GARCIA, 27 DISYEMBRE 1958. PINASINAYAAN ANG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NA ITO KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG IKA-200 ANIBERSARYO NG PAGKATATAG NG LALAWIGAN NG ILOCOS NORTE, 1818–2018.