Location: F.R. Hidalgo Street, Quiapo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MIGUEL ZARAGOZA Y ARANQUIZNA (1847–1923)
PINTOR, MANUNULAT, MAMBABATAS AT MAKABAYAN. IPINANGANAK SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA NOONG SETYEMBRE 29, 1847. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA AT ACADEMIA DE DIBUJO Y PINTURA, 1859. ISA SA MGA PENSYONADO NG PAMAHALAAN SA LARANGAN NG SINING NA PINAG-ARAL SA ACADEMIA DE SAN FERNANDO, MADRID, ESPANYA, 1879 AT SA ROMA, 1882. SUMAPI SA KILUSANG PROPAGANDA SA ROMA AT BUMALIK SA ESPANYA, 1885. UMUWI SA PILIPINAS AT MULING BINUHAY ANG MAGASING, LA ILUSTRACION FILIPINA, 1891. ILAN SA KANYANG MGA PINTURA: A ROMAN LABORER; THE DEATH OF ST. FRANCIS XAVIER AT ST. PETER CHAVEZ; HIGHWAY MEN; AT ‘EL VIOLENCELLISTA.’ ANG DALAWA SA LABINGDALAWA NIYANG LAHOK AY NAGWAGI NG GINTO AT PILAK NA MEDALYA SA EKSPOSISYON SA ST. LOUIS, 1904. NAGING PROPESOR: ATENEO MUNICIPAL, 1891; ESCUELA SUPERIOR DE PINTURA, ESCULTURO Y GRABADO, 1893; LICEO DE MANILA, 1900; AT ISA SA UNANG TATLONG PROPESOR NG U.P. SCHOOL OF FINE ARTS, 1909. NAHIRANG NA KAGAWAD SA KONGRESO NG MALOLOS, 1898 AT ISA SA LUMAGDA NG SALIGANG BATAS NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS. NAMATAY NOONG MARSO, 1923.