Location: Old Laguna Provincial Capitol Building, Pedro Guevarra Avenue, Santa Cruz, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JUAN CAILLES
(1871–1951)
MAKABAYAN, REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA NASUGBU, BATANGAS, 10 NOBYEMBRE 1871. NAGKAMIT NG TEACHER’S DIPLOMA, PAARALANG NORMAL NG MGA HESWITA, 1890. NAGTURO SA BARYO AMAYA, TANZA, CAVITE HANGGANG SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKANG FILIPINO, 1896. UMANIB SA HUKBO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT NAGING BRIGADYER HENERAL, 1897. ISA SA MGA LUMAGDA SA PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 12 HUNYO 1898. ITINALAGA SA LAGUNA, 1899. TINALO ANG MGA AMERIKANO SA LABANAN NG MABITAC, 17 SETYEMBRE 1900. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 24 HUNYO 1901. HINIRANG NA GOBERNADOR SIBIL, 1902–1910 AT NAHALAL NA GOBERNADOR NG LAGUNA, 1915–1925; NAGING KINATAWAN NG LALAWIGAN NG MOUNTAIN PROVINCE, 1926–1931; MULING NAHALAL NA GOBERNADOR NG LAGUNA, 1932–1938; PANGALAWANG TAGAPANGULO NG BOARD OF PENSIONS FOR VETERANS, 1940. INSPEKTOR HENERAL NG PHILIPPINE VETERANS ADMINISTRATION, 1941. YUMAO 28 HUNYO 1951.