Location: Bacoor, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1 August 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGPUPULONG SA BACOOR
NAGPULONG ANG TINATAYANG 200 NA PRESIDENTE MUNICIPAL NA HINALAL SA IBA’T IBANG LALAWIGAN UPANG MANUMPA SA KATUNGKULAN AT TALAKAYIN ANG KASARINLAN NG PILIPINAS, BACOOR, CABITE, 1 AGOSTO 1898. DITO IPINAGTIBAY ANG KATAPATAN SA PAMAMAHALA AT SA KASARINLAN NG PILIPINAS. SA OKASYONG ITO NILAGDAAN NINA EMILIO AGUINALDO AT MGA PRESIDENTE MUNICIPAL ANG DOKUMENTONG ISINULAT NI APOLINARIO MABINI NA NAGHUDYAT SA PAMAHALAAN NA IPADALA SINA FELIPE AGONCILLO AT IBA PANG DIPLOMATIKONG PILIPINO SA IBA’T IBANG BANSA UPANG HINGIN ANG KANILANG PAGKILALA SA KASARINLAN NG PILIPINAS.